Pasok kayo, ituring ninyong parang blog n'yo ba 'to?

Friday, March 19, 2010

Si Dog X


Hindi babagay ang Tagpi kahit pa tagpi-tagping dumi ang kulay niya. Hindi babagay ang Bantay o Bogart dahil hindi naman siya mukhang matapang at lagi pang tulog. Hindi siya si Puti dahil hinding-hindi na siya puti ni brown. Dahil sa kawalan ng apt na pangalan, at baka may nauna nang nagbinyag sa kanya nang hindi ko pa nalalaman, tatawagin ko muna siyang Dog X.

Noong mga unang linggo ko pa lang sa College of Teacher Education dito sa Southern Luzon State University, napansin ko na ang malabasahang si Dog X. Sabi ni Prof. Yao, parang residente na, at pakainin dili si Dog X ng mga utility personnel sa kampus partikular sa gusali namin. Amoy aso si Dog X. Bagay na hindi ko dapat ipagtaka, dahil, dahil aso naman talaga siya sa isip, sa kahol, at sa gawa. Pero asong-gala din pala si Dog X. Nakita ko siya noong isang araw sa labas ng kampus, mga alas sais y medya ng umaga. Sinundan ko si Dog X sa kanyang morning walk papasok sa kampus. Mga dalawandaang metro ang layo ng main gate sa gusaling pinagtuturuan ko na tinatambayan ni Dog X.









Nakahalata yata si Dog X na sinusundan ko siya. Ako man ang lumagay sa katayuan niya, tiyak na maa-annoy din ako. Kumahol nang paingit si Dog X, parang may humampas, parang nasaktan, nang papanhik na siya sa 3rd floor. Wala naman akong ginawang masama maliban sa pitikan siya ng point and shoot ko.

Malay ba niyang nasa blog ko na siya.

6 comments:

Anonymous said...

ang asong ito nakita ko n rin sa 3rd flr ng eng bldg, meaning, rubbing shoulders with the vp's and the pres?haha--ate germs!

superkabado said...

Ganun, hindi ko alam 'yan. Ibig sabihin nakakarating din siya dun, at ano ang maaari nga niyang gawin? Maliban pa sa pakikipag-bungguang balikat sa mga VPs at prexy, hindi kaya, hindi kaya reincarnation si Dog X ng isang dating... dating... dating... at naroon siya para mag-encode ng grade? O mag-defend ng thesis? Hmmm, lumalalim ang pagkatao errr pagkaaso ni Dog X. Abangan...

Unknown said...

malamang sa OO, si dog x ay siguroy isa ngang henyo!at gusto pa yatang pumasok sa speech lab!kaso dahil sa phonetics ang lesson ko nuon mukhang di yata nababagay si dogx sa mga pronounciation katulad ng "mounti'n-rolli'n-worcestershire" at kung anek anek n kabaktutan ng dila n hanggang ngayun di ko mafigure out na i was sold by the JOE's sa lecheng pronunciation exercises!

superkabado said...

Yeah, para ngang ganun. Dog-speech Therapy yata ang dissertation niya sa Waseda University sa Japan. Naimbitahan na rin siyang mag-lecture sa University of Chicago. Last year tumanggap siya ng Nobel Prize for Medicine. Kaya lang retirado na siya kaya visiting prof na lang siya sa SLSU. Actually pangarap niya sa DLSU magretiro. Tutal naman daw hindi malayo ang SLSU sa DLSU. Magkatabi naman sa keyboard ang S at D.

Anonymous said...

ahahahah... mulat din kya ang asong yan sa mga katiwalian nangyayari sa pamunuan ng cte-sc??? hmmmmmm
gusto rin kya nyang mging guro? humubog ng kaalaman ng kapwa niya mga aso?? hay.. cnu kya ang paborito nyang guro?hahahha

superkabado said...

Mabuting tanong, pakiramdam ko iyan ding mga tanong na iyan ang pinapangarap niyang itanong sa kanya. Sa hitsura niya, malabong maging modelo niya si Fulgoso dahil madaldal yun, hindi rin si pluto at goofy dahil mga engot yun (hindi naman mukhang engot si Dog X). Madalas tahimik si Dog X so malamang, tahimik ang kanyang modelo... hmmmmm. Aso ni San Pedro?