Pasok kayo, ituring ninyong parang blog n'yo ba 'to?

Wednesday, March 3, 2010

Rio equals Lira?

Panahon na naman ng mga workshop-workshop at kontes-kontes. Malaki ang tsansang marinig ko na naman sa ilang tao (na hindi makapag-move on) na sisindikatuhin na naman ng Lira ang tulaan chorva. Putek, kung alam lang nila kung gano kahirap ang manalo. Pero kung sisipatin nga, may mga pagkakataon na nakakasikwat ang mga taga-Lira ng award nang sama-sama. Gaya noong unang Maningning Miclat Awards sa Filipino Category, tatlo ang puwesto, lahat Lira. Noong Tulaan sa Tren 2, unang dalawang award sa Filipino ay Lira. Parang sindikato nga naman ano (masakit nito, sabit ako sa award na yun, but swear to Golum, hindi kami sindikato, hindi ako nanindikato). Lagi naming napag-uusapan ni Philip Kimpo, Jr. na may stigma ba ang pagiging Lira, ramdam kasi namin ito sa Iyas noong nagdaang taon. Amoy Lira daw ang tula namin. Potah, amoy Lira... anong amoy yun?

May narinig ako, isang kaibigan ang nagsabi na walang mananalo sa isang kontes kundi alagad ni Rio dahil may sukat at tugma ang pangunahing requirement ng entry. Baka nga. Basta parang ganun. Hindi naman siguro dahil teka, sino ba yung alagad ni Rio? Masasabi bang si alagad ni Rio si Vim? Becky? Gracio? Well, may kani-kaniyang argumento para i-prove o i-disprove ito.





Kuha ng point and shoot ko ang mga larawan. May angal?

No comments: