Dahil foundation week namin, darating ngayon si Tita Glo. Nire-route ang pasukan namin. Imbes na 'yung dating gate, kailangan pa naming umikot dahil sandamakmak na PSG ang umaali-aligid sa kampus. Noon pang nakaraang linggo nakatimbre sa amin ang pagdating ni Tita Glo. Isusuot daw ang pang-Martes na uniporme. Noong hapon ng Biyernes, isusuot naman daw ang pan-Lunes. Balik sa dati. ganyan talaga 'pag bigatin ang bisita. Lahat tentative.
Hindi ko nakursunadahan ang laban ni Clottey. Takot na takot makipagbasagan ng mukha sa pambansang kamao natin. Hindi ko nagustuhan ang laban kaya hayun, ininom ko na lang ang inis ko. Samboteng kabayo at apat na San Mig Light.
At ngayon, Lunes na nga. Late ako ng diyes minutos. Limang minuto lang sana kung hindi nagre-route ang pasukan/labasan namin. Umuulan dito sa Lucban. Palagay ko makakasama ng balita ng Malacañang Press Corps na umuulan sa bahaging ito ng Pinas. At binasbasan ng masaganang ulan si Tita Glo. Positive news.
Tigil ang klase. Tuwang-tuwa ang estudyante.
Monday, March 15, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
at kami sa AS e habol ng habol sa maliit n presidente, muntik n magkakulani ang kilikili ko para maka kuha ng magandang anggulo ni aling glo--haay nakakapagod n umaga!
Ho nga, nakita ko kayo... may mabuti namang dulot ito sa atin... maganda na nang kaunti ang kalasada sa harap ng kampus. Maliban dun, hindi ko pa alam kung ano ang pakinabang sa pagdating niya. Ni walang media release tungkol sa maganda nating bayan e, haaaay...
at ang lola mu sa malapitan e puno ng tooth decay -- kaya ang lola mer e pinupog ko ng close up as in sa harap ng kanyang animoy webcam n nunal, spotless!binalak kong mag alsa ng pa very light pero dahil naka semi formal ang attire ko nakapagpigil ng todo todo!
Permanent fixture niya ang nunal. Hindi siya ito kung walang nunal.
Huwag kang padalos-dalos kung ayaw mong tubuan ng nunal na sinlaki ng hinog na santol.
Post a Comment