Pasok kayo, ituring ninyong parang blog n'yo ba 'to?

Showing posts with label Family album. Show all posts
Showing posts with label Family album. Show all posts

Wednesday, March 17, 2010

Nagbabasa na si Bani




Poseur din siya minsan. Pero totoong nakakabasa na ang anak ko. We maintain a culture of reading sa bahay. Usapan na naming mag-asawa 'yun. Gusto ko naman talagang magbasa, kaya kung nasa bahay lang ako, ipinapakita ko kay Bani na masarap magbasa, na enjoy na enjoy ako, na mahalaga sa akin, sa amin ang libro.




Gusto ko 'yung pang-aasar niya sa akin, 'yung iistorbohin niya ako sa pagbabasa, aagawin ang binabasa ko at kunwa'y babasahin din niya, 'yung itatago ang binabasa ko tuwing maiiwan ko sa isang tabi, at pag hinahanap ko na, ngingiti siya ng ngiting may inililihim.





Mabilis siyang magbasa nang malakas. At sa edad niyang maglilima, mayroon na siyang mga paboritong libro, Pinoy man o foreign. Alam na niya kung alin ang mga libro ko, mga libro ng nanay niya, at libro niya. Minsan, sa pang-aasar niya sa akin, sinabi niyang kanya daw ang lahat ng libro ko. Napangiti ako. Huwag lang aangkinin ng anay o paliguan ng baha o kainin ng kung anong trahedya (katok sa kahoy), kanya nga lahat ang mga pinakaiingatan kong libro. Kanyang-kanya.

Wednesday, March 3, 2010

Ito na talaga ang tunay na larawan ng kawalang malay

E di nakabili nga ako ng point and shoot na camera no, so ginawa ko dahil ayoko namang bumili ng scanner, pinagpipitikan ko ang mga lumang retrato ko at retrato ni Angel bago pa makain ng anay at insekto. Siyempre ipoposte ko sa net para kung sakaling magunaw uli ang hard disk ko, may back-up pa rin sa web. Tanong ko kay Percy nung Enero, e pano naman kapag gumuho ang web ng santinakpan? Dito na papasok ang neuron at ang kapasidad nitong sumariwa ng alaala. Ano ang aral? Kumain ng maraming mani para malusog ang neuron nyo...

nuff said...































Monday, March 1, 2010

Larawan ng kawalang malay

Alalahanin ang kanta ng Apo Hiking. Iyong nagsisimula sa parang ganito "Batang-bata ka pa la la la la la, gawin sa mundo blah blah, buhay ay di ganyan chorva, tanggapin mo na lang na ang buhay ay la la la rin la la rin, makinig ka na lang, makinig ka sa aking payo la la la, pagkat musmos ka lamang, blah blah." Basta parang ganyan. Alalahanin nyo habang tinitingnan ang larawan ng kawalang malay.