Pasok kayo, ituring ninyong parang blog n'yo ba 'to?

Friday, March 12, 2010

Libreng Writers' Workshop sa Baler, Aurora, sali na!

Galing ang press release na ito kay Prof. Joey Baquiran ng U.P. Sali na kayo, libre na, may allowance pa. Makakabungguang mukha nyo pa ang pinakamalulupet na writers ng UP Diliman.

THIRD Rogelio Sicat WORKSHOP:
DFPP 2010 national CREATIVE WRITING workshop

The UP Department of Filipino now accepts application to the Third Rogelio Sicat Workshop: DFPP 2010 National Creative Writing Workshop to be held in Baler, Aurora from April 28 to May 2, 2010.

It is open to beginning writers in Filipino, especially college students, who write poems, fiction, and children’s stories.

Applicants must submit the following: manuscripts (12 points, double-spaced, 8x11 inches) of any of the following: five (5) poems, two (2) short stories (10 pages), and two (2) children’s stories (5-7 pages); short bio-note; photo (2x2, colored); and Application Form (find attachment or can be requested via email).

All expenses from UP Diliman to the workshop site are free for the chosen writing fellows. A modest stipend will also be provided.

Send manuscripts to palihangrogeliosicat@yahoo.com.ph not later than April 9, 2010. For further details, please send inquiries to said email address.

8 comments:

Michael Alegre said...

nagpo-post pala kayo ng gan'to? salamat! kay cielo ko ho nabalitaan... sayang ojt ko 'yan... ta's me laban ng cegp nspc sa negros... mahaba-habang pag-absent pag nagkataon! hala!

superkabado said...

OKey lang Michael. Marami pang pagkakataon para mahasa nang libre ang panulat mo. Ikumusta mo ko kay Vijae sa Bacolod.

The Spark said...

A, e, sige ho...kakamusta ko kayo.

Nga ho pala, sa ngalan ho ng aming publikasyon (The Spark); e, humihingi na rin ho ako ng paumanhin senyo. Hindi ko ho kayo kakilala ng personal pero dal'wang beses ho namin kayong pinuntahan sa faculty nung aming patnugot para mag-sorry pero hindi ho namin kayo natiyempuhan hanggang sa makalimutan na ho namin. So ayun ho, pasensya na ho ulit.

Gan'to ho kasi ang senaryong alam ko: tinanong ho kami ni Ma'am Ladines kung sino 'yong mga magiging ispiker namin. Ta's ang sabi ho namin; e, "baka" ho isa kayo sa kasama. Ta's nag-text ho 'yong ka-officer ko sa CEGP Quezon na nakuha na ho nila si Sir Jun Cruz Reyes kaya hindi na ho namin kayo naabisuhan na isa kayo sa magiging ispiker. At ayun. nagulat na lang ho kami no'ng mabalitaan ho namin sa ka-isparkista naming ECE na nasa unang taon na ganun na nga ho...alam n'yo na...

So sorry ho ulit. Sana ho; e, okna ang aming pub senyo. Salamat ho ng marami.

-Michael C. Alegre
Kapatnugot, The Spark

superkabado said...

No prob. Sige, pagbutihin ninyo ang pagsusulat. Remember--though i never want to sound so didactic--the students are the reason for your existence. So serve them well. Hindi ang conferences/contests/training seminars ang dahilan kung bakit kayo umiiral. Unlike your counterparts in and outside the campus.

Michael Alegre said...

Hmmm...
ahm, salamat ho ulit! pinipilit nga ho naming makapagbigay ng mga mulat na artikulo para sa mga estujante... malaking tulong ho 'yong mga seminar para mas mapaganda pa ho namin yung mga ginagawa namin... sana nga ho e magkaro'n na rin ng conference sa ating unibersidad. para ho kasing hindi kami kinikilala ng admin... me isyu nga hong ilegal daw ho ang mga college pub. kaya tampo na me. nyahahaha! ge ho/ salamat ulit.

Michael Alegre said...

Hmmm...
ahm, salamat ho ulit! pinipilit nga ho naming makapagbigay ng mga mulat na artikulo para sa mga estujante... malaking tulong ho 'yong mga seminar para mas mapaganda pa ho namin yung mga ginagawa namin... sana nga ho e magkaro'n na rin ng conference sa ating unibersidad. para ho kasing hindi kami kinikilala ng admin... me isyu nga hong ilegal daw ho ang mga college pub. kaya tampo na me. nyahahaha! ge ho/ salamat ulit.

superkabado said...

This is what's ironic sa campus publication. Hinahasa at nahahasa "allegedly" ang galing ng mga writers at artists sa conferences at seminars at contests, yet iisa o dadalawa (at kadalasan ay magkasabay pang lumabas) ang isyu. May mga semestre pa ngang walang lumalabas na isyu. Para saan ang galing kung hindi ipapakita sa estudyanteng dapat pinaglilingkuran ng publikasyon? Not to mention, pera ng estudyante ang sinusunog sa kontes at conferences. Ang hirap sa publikasyon, and I'm not referring to the publications you know--not unless pamilyar kayo sa tinutukoy ko--na magaling sa kontes at aktibo sa conferences pero kulang naman sa pagbibigay ng kaalaman sa estudyante. Kung lumabas ang isyu parang history book na. Pano yung event ng Agosto, Pebrero nailalathala. Student publications exist for students, ito ang substance ng pag-iral nila, hindi ang kontes. Hindi ito eskaparate ng "magagaling" na estudyante. Ok lang ang kontes at conferences, I have nothing against it. The thing is, parang ito ang sustansiya ng publikasyon, kompleto pa sa tarpauline. Pero kulang sa pagbibigay ng impormasyon. Unahin muna ang pagbibigay ng impormasyon bago ang kontes kontes at conferences. Tsk tsk.

Michael Alegre said...

Me punto ho kayo... Tama.

Pero naisip ko lang: hindi ho kaya ang kakulangan sa badyet ng pub ang nagiging dahilan ng pagiging "historyador" ng mga estudyanteng dyurnalista???

Sa The Spark ho kasi, kahit wala kaming iskolarship; e, kinukulang pa rin kami sa pera. Kaya napipilitan hong gumasta o magdagdag o minsan pa nga; e, yung estudyante na ho ang buong gumagasta ng kanyang magiging expenses sa dinadaluhan nitong kumbensyon/kontes.

Me isa pa ho: 'yon hong tagal ng proseso sa printing press.

Ayun ho. Kaya isa lang tuloy ang nai-release ng pub namin last akademik yir. yung isa ho; e, ngayon lang nakahabol (PALETA-literary digest) gawa nga ho nung printing press.

Pero medyo okey na naman ho kami ngayon, sa plano ho kasi namin, 4 ang iri-release namin ngayong 2010-2011. At nai-release na ho namin yung isa [KRAPSIKOL-alternative form] kaya medyo nakabawi ho kami. yung tabloid ho; e, sa november. tas yung dalwa pa (magazine at lit folio) ay sa susunod ding semestre.

Kaya ho naging 4 da'l me plano ho kaming magtaas ng pub fee. Ta's baka ho next year, magdoble na yung release ng tabloid so 5 na. sana matuloy, sana... Para mas matuwa ang mga estudyante...