Dahil bago lang ako sa Lucban, natural na mas marami akong kaibigan na taga-Maynila. Mga kaibigan buhat sa maraming saray (nyetah bigat ng term no, saray) ng lipunan. May espiritwal, may PBA player, may techie pipol, may corporate junkie, may kritik-kritik, lider-obrero, lider-titser, tibak at nagtitibak-tibakan, makata at nagmamakata-makataan, manunulat at manunulot, at marami pang iba.
Mahilig akong mag-imbita ng mga kaibigan para tumulong sa mga social responsibilities (nyetah, social responsibilities) ko. Kahit noong nasa Valenzuela pa 'ko, hatak-hatak ko na ang mga kaibigan ko para mag-lecture, maging photographer, tumula, magsayaw, gumitara, atbp.
Ngayong nasa Lucban na ko, kasama pa rin siyempre na maghatak ako ng mga kaibigan para sa iba't ibang gawain. Sa loob ng halos dalawang taon, heto silang tumuntong sa SLSU para magbahagi ng kung ano-ano. Nota: hindi kasama ang bisita ko sa mismong Lucban. Marami ito. Bisita ko pa lamang sa mismong iskuwelahan sa pigi ng bundok Banahaw ang tutukuyin ko.
Si Ringgo, akademik. Produkto ng mga Dominikano (nagtapos nang magna) at La Salle Brothers. Naglektyur tungkol sa Understanding by Design sa mga magiging titser balang araw. Babalik next sem sa paaralang humubog sa kaniya para maging titser. Sa paaralang hindi masyadong kursunada ni Pepe Rizal.
Si Rowie. Akademik cum tibak. Produkto ng mga Heswita at La Salle Brothers. Bente otso anyos sa isang taon kung kailan bibigyan siya ng diploma sa Ph. D. Philippine Studies. Naglektyur sa mga magiging titser kung paano magiging alyado ang popular media sa pagtuturo. Kung paanong magiging kakampi imbes na kalaban ng mga titser ang DOTA at Wowoweeeee sa atensiyon ng kanilang mga estudyante. Parang ganun. Note sa retrato: yung pangalawa at pangatlong pic, 'kaibigan' niya yung kasama niya, yung pang-apat, mga kasama ko sa SLSU, si Donn at J-Lo.
Si Eros at Jerry. Si Eros, manunulat, akademik, mangingibig, barako. Produkto ng Normal. nagtuturo ngayon sa paaralan ng mga Dominikano. Sa paaralang hindi masyadong kursunada ni Pepe Rizal. Si Jerry, besfren ko, makata, manunulat ng iskrip na may hubo at kangkangan, manunulat ng tv iskrip sa mga palabas pambatang may lutang na lutang na moral lesson. Walang diploma sa UP kasi hindi nagsauli sa main lib ng libro tungkol sa pako. Naglektyur sila kung paano magsulat.
Si Lourd. Rakista, makata, mananaysay, intelektwal, malapit nang maging pop and rakrakan icon. Sa maniwala kayo o hindi, produkto ng Dominikano. Fellow sa UST Writers' workshop kasama si Eros. Editor ng magasing pansosyal dahil mahal. Rumakrak sa SLSU noong 2009. Kasama sa larawan ang mga kasama kong titser sa isip, sa puso, sa gawa, at higit sa lahat, sa hitsura. Salamat sa blinutooth na retrato galing kay Donn, J-Lo, at Ronero aka Rak en Rol.
Abangan ang mga darating pang kaibigan ko sa SLSU para maghasik ng...
Wednesday, March 10, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
isa lang mang jose....ANG DAYA!asan ako ng mga panahong ito?wala p b blog si super kabado nun?ay sus!
Dear Aling Petra,
Noong lumipas na taon ang konsiyerto ng Sago ni Lourd. May blog na ako noon pero hindi kasing aktibo ng pagsulat ay pagposte ng retrato sa kasalukuyan. Sa pagkakaalam ko, wala ka pa sa balat ng SLSU noon. Sayang. Ngunit huwag mangamba, may darating pang iba. Magpapakonsiyerto uli sina Ronero. Aegis yata ang aanyayahang banda. Magaling ito at personal kong paborito. Lumalakas akong uminom ng beer at alak kapag nadidinig ko ang Aegis, lalong lalo na ang "Basang-basa sa Dura" este sa "Ulan". Madalas pa namang umulan sa Lucban.
Nagmamahal,
Jose
Kumusta kayong lahat,
Ang pangalan ko ay Mr, Rugare Sim. Nakatira ako sa Holland at ako ay isang masayang lalaki ngayon? at sinabi ko sa aking sarili na ang anumang tagapagpahiram na nagligtas sa akin at sa aking pamilya mula sa aming mahirap na sitwasyon, magre-refer ako sa sinumang tao na naghahanap ng utang sa kanya, binigyan niya ako ng kaligayahan at ang aking pamilya, nangangailangan ako ng utang na € 300,000.00 upang simulan ang aking buhay sa kabuuan dahil ako ay isang solong Ama na may 2 anak na nakilala ko ang matapat at ang Allah na natatakot sa nagpahiram ng tao na tumutulong sa akin sa isang pautang na € 300,000.00, siya ay isang taong natatakot sa Allah, kung nangangailangan ka ng utang at babayaran mo ang utang mangyaring makipag-ugnay sa kanya sabihin sa kanya na (Mr, Rugare Sim) mag-refer sa kanya. Makipag-ugnay kay G., Mohamed Careen sa pamamagitan ng email: (arabloanfirmserves@gmail.com)
FORM NG IMPORMASYON NG PAGLALAPAT NG APLIKASYON
Pangalan......
Gitnang pangalan.....
2) Kasarian: .........
3) Kailangan ng Halaga ng Pautang: .........
4) Tagal ng Pautang: .........
5) Bansa: .........
6) Address ng Bahay: .........
7) Numero ng Mobile: .........
8) Email address ..........
9) Buwanang Kita: .....................
10) Trabaho: ......................
11) Aling site ang ginawa mo dito tungkol sa .....................
Salamat at Pinakamahusay na Pagbati.
Email arabloanfirmserves@gmail.com
Post a Comment