Pasok kayo, ituring ninyong parang blog n'yo ba 'to?

Tuesday, July 7, 2009

Thoughts of a Novel


Dapat ‘yung bonggang-bonggang saga, epic-proportion,
‘yung mala-Michener, kung pa’no isinuka ng marine volcano
ang Hawaii (tandaan ang bigkas: hawa-i, hindi haway; parang parih,
kapitolyo ng France, hindi paris na parang pares-tapsi sa Bambang.)

‘Yung gano’n.

Ang characterization, sabi nga ni RT, dapat wiiiiinner.
‘Yung may cerebral angst, ‘yung hindi kumikilos pero inaagasan
ng apoy ang mga butas sa mukha, saklot ng makapangyarihang
saloobing hindi maibulalas sa isip, sa salita, sa gawa.
Lumuluha pero walang nguyngoy. Ngumingiti nang tipid na tipid.
Larawan kontra larawan ng isang lalaking mala-John Lloyd,
mayaman, mapagkumbaba, may mabuting puso, may Latin honors
sa U.P. o Ateneo, lapitin ng chicks, iyong parang walang problema
maliban sa nangangamoy ang paa kapag sinasaklot
ng hindi kayang ipaliwanag na takot, at kapag dina-drive
ang pulang CRV na model 2008 patungo sa Embassy.
At pervert kapag nakakainom ng Empoy at Gran Ma—
kaya show don’t tell ha. Mahaba ‘to, voluminous pero halos kalmante.
Pero dapat captured na agad ang readers sa first few pages or chapters.
Sa una pa lang, establisado na dapat ang lahat ng major plot,
minor plot,
sub-plot,
micro-plot,
mini-plot.

Start from your experience: ano ba’ng meron sa iyo?
Sakit? Namatayan ng kung sino, kung ano at kung ilan,
iniwan ng kung sino, kung ano at kung ilan?
Anong meron sa lolo mo, hane?
Tapos i-plot mo sa setting na bonggang-bongga.
Iyong binanggit ko kaninang mala-Rushdie,
mala-Garcia Marquez, mala-Michener, mala-Saramago, mala-Okri.
Pero kung swabe, pwedeng mala-Kundera at mala-Amos Oz.
Pero kung kwela, mala-Vonnegut.
Lagyan mo ng make-believeish: manananggal, engkanto,
multo, huwag witches puwera na lang kung natira ka nang matagal sa England.
Pampakulay at pampa-flavor lang ito unless totoong-totoo sa iyo ang maligno.
O kung ikaw mismo ang maligno, har har har.
Ang maligno ng iyong sarili.
Nilalabanan. Nilalabanan. Nilalabanan.
Tama. Kaya tahimik ang protagonist mo kahit pa pa-boy-next-door.
Iyong conflict, dapat polarized na polarized pero subliminal.
Nabubuhay sa pahiwatig. Mayaman versus mahirap.
Luma na ito, oo, pero wala namang bago sa mundo,
sa treatment lang nagkakatalo. At dahil nabuhay ka sa mundong puro tubig-baha—
unique agad!

Babalik ba si Adonis para higupin ang lahat ng tubig?
Lulusungin ang lahat ng pagsubok?
O siya ang fundador ng Venice sa Nueva Camanava?
Interesting!
Magiging Tourism Secretary ba siya?
Swak na swak ang sirena-siyokoy-factor.
Parang ganu’n, gets?
Umaagos ang buhay niya, mula pa sa kalolololohan
hanggang mag-aral sa U.P. o Ateneo. ‘Yung against all odds.
Naiwan niya si lady love na handang magtiis at maghintay
habang namamalirong sa alipunga ang paa
o tumitirik ang mata sa leptospirosis, at wagas na pag-ibig lang ni Adonis
ang makapagpapagaling. Pero ipatatapon si Adonis sa Amerika
(England kung gusto mong may witch-factor)
tapos naging doktor sa Boston, parang ganu’n.
Basta malayo.

Ano? Hindi pam-Precious Hearts? Hindi rin mala-Dan Brown?
Siyet. Mahirap ‘yan? Sino bang idol mo?
Hindi naman siguro, hi hi, si Bob Ong?
Sino?
Joyce?
As in J-A-M-E-S-J-O-Y-C-E-?
Ano? Mala-“Finnegans Wake”?
Consider your readers, hijo.
Ang market mo, hijo.
Walang nagbabasa niyan kahit sa U.P. o Ateneo.
Hmmmm. Grabe ka ha. Pinahirapan mo koh.
Eniwei, babasahin ko pa ang “Finingers Week” na ‘yan.
Hanggang sa muling isyu ng— “Learn to write with Achung Borgy.”
Mwah.


(Sa Bestman, habang pinag-uusapan namin kung paano isusulat ang una kong nobela.)

No comments: