Pasok kayo, ituring ninyong parang blog n'yo ba 'to?

Friday, April 30, 2010

MATUT(INA)


Hindi dumako sa pangarap ko tuwing Miyerkules
Sa tsanel 9 ng aking kamusmusan
Ang maging kapatid sa labas ni Marsha,

O maging ampon ng kanilang pamilya.

Sapat na ang maging anak ni Matutina.

Nakulili ako sa matinis na paghihistori ni Miss Ecija

Kaya matitiis kong maging ina si Matutina,
Basta’t maging tagawalis din ako ng pera sa sala.
Kapag natapos na ang palabas sa walang
Pangal na “Kaya ikaw John, magsumikap ka!”,
Hindi ako makatingin nang tuwid na tuwid
Sa aking inang nakangiti’t nag-iinat.
Dinuduro ako ng konsiyensiya ng Safeguard,

Dahil sa lihim kong paghalili sa kaniya kay Matutina
Sa loob ng isang oras, tigib ng patalastas,
Masayang-masayang palabas.#










galing dito ang larawan: http://media.photobucket.com/image/MATUTINA/cute_piglet93/matutina.jpg


kung sino ka man cute_piglet93, salamat.

No comments: