Pasok kayo, ituring ninyong parang blog n'yo ba 'to?

Showing posts with label Spontaneous combustion. Show all posts
Showing posts with label Spontaneous combustion. Show all posts

Wednesday, June 15, 2011

Kontribusyon ko:

Mongoliang Hipon

Mahigit dalawang taon na akong nagsusumamo para makatapos sa aking M.A. Araling Filipino. Pero inondoy na ako’t lahat, hindi ko pa rin malasahan ang mongoliang may hipon sa Animo canteen. Lagi kasing hindi available ang hipon. At oo, sa loob ito ng halos dalawang taong paglabas-masok ko tuwing Sabadong may klase o konsultasyon para sa mistulang perpetual tesis ko. Nakatatakot isipin na, na, baka grumadweyt ako ay hindi ko pa rin nalasahan ang mongoliang hipon.

Hindi ko tiyak kung galing nga sa Mongolia ang lutuing mongolian sa Animo canteen. Wala akong kakilalang OFW na nanggaling sa mabuhanging lupain ni Genghis Khan. Kung paanong hindi ko rin tiyak na galing nga sa Canton ang pansit na ibinabandera ng Lucky Me. At kung galing nga ng Shanghai, ang lumpiang may giniling at kintsay sa loob.

Kanin lang, samu’t saring gulay, at choice-of-two na main ingridient ang lutong mongolian. Pwedeng manok (isang paulong kutsarang laman ng manok), pwedeng beef (isang paulong kutsarang beef), crab meat (isang paulong kutsarang...), pork (isang paulong...), pusit (isang...), at iyon na nga: hipon, na laging hindi available sa tuwing oorderin ko. Pwede kang magpadagdag ng kanin, pwede ring tambakan ng ginayat na siling pamaksiw para medyo pumapalag sa anghang pagsubo mo ng kanin er mongolian. Hahaluin lahat ang rekado sa parang prituhan ng burger, bubuhusan ng hindi ko malaman kung anong likido at dyaraaaaaaan, maanghang, mainit na mongolian sa halagang ochenta y cinco pesos. Treinta pesos naman ang kalahating litro ng Coke, fire extinguisher sa init at anghang.

Sa tuwing walang hipon, at lagi ito—dahil yata mahal ang hipon—nagtitiyaga ako sa Sinangag Express o SEx. Sa tuwing manlilibre ang mahulas-hulas kong kaklase o titser, nakakatikim ako ng di-maubos na kanin ng Tokyo Tokyo (na hindi ko alam kung galing nga ng Tokyo) kasama na ang pulang niyeluhang tsaa.

Pero iba pa rin ang halina ng hipon at crab meat. Kaya kanina, sinubukan ko uling umorder. Siyempre wala uli si hipon. At dahil nagmamakaawa na ang sikmura kong malamnan ng mainit na pagkain, nagkasya na lamang uli ako sa crab meat at beef.

Hindi naman dahil sa takot na akong sumubok ng ibang pagkain kaya hindi ako masyadong umoorder ng estrangherong putahe. Minsan kasi, sumubok kami ni Ate Sotie, ang kaklase kong Letranista. Hindi ko na sasabihin kung saan kami sumubok, basta nasa loob ito ng kampus. Nagkaisa kami na matabang ang lasa, walang dating, walang kakaibang lasa ang roasted chicken na ubod ng mahal. Kaya balik uli ako sa nagmamadaling mongolian. Itinanong sa akin ni Ate Sotie kung bakit gustong-gusto ko ang lutong iyon sa Animo canteen. “Mainit kasi,” sabi ko, sabay subo ng umuusok na kaning may latay ng crab meat at beef. “Iyon lang ang dahilan mo?” balik sa akin ni Ate Sotie na nginangalot naman ang club house sandwich. Nahihiya na akong maimbestigahan pa kaya napa-oo na lang ako.

Balik uli kanina. Habang hinihintay kong maluto si mongolian, itinanong ko sa lalaking nagluluto kung bakit laging walang hipon. Naubos na raw. Alas-onse? Naubos? Hindi yata’t malalakas magsikain ng hipon ang mga Lasalyano? “Anong oras naubos?” tanong ko. Kahapon pa daw at hindi pa daw dumarating ang inorder. Ayos. Magaling lang siguro akong tumiyempo. Natatapat sa ubos o hindi pa dumarating ang order.

Bueno, kahit hindi ko naman talaga gagawin, babalik ako sa Lunes, sabi ko. Hindi ako papayag na wala pa ring hipon sa Lunes. Hindi ako papayag na mauna pa ang diploma ko kaysa mongoliang hipon. Ngumiti si kusinero. “May araw rin kayo, lalo na ang hipon ninyo,” sa isip-isip ko, habang buhat ang tray na may sangmangkok ng umaasong mongolian beef at crab meat na nakapagtatakang may durog na piraso ng makabasag-ngiping talukab at sipit ng alimasag.#


Thursday, May 12, 2011

DYEBS

Hindi ko pa nagagawan ng papel para sa klase ko sa La Salle o para sa kumperensiya ng wika at kultura ang paksang paano nag-evolve ang salitang tae patungo sa dyebs. Pero kung gagawan ko, baka ganito magsimula iyon:

Tae kapag binaligtad eta. Dito na siguro pumasok ang etsas/echas, binaklang o sabi ng UP Diksyo, kinolokyal na tae/eta. May hawig pa. Pero kung paanong napalitan ang etsas/echas ng ebak, ito na ang palaisipan ng kontrapsiyon na ito. Hindi ko na alam. Wala ito sa panuntunan ng Diksiyunaryo-Tesauro ni Jose Villa Panganiban at Balarila ni Lope K. Santos o ng Komisyon ng Wika. Kaya naligaw na ako sa pasikot-sikot at madawag na etimolohiya ng tae tungong ebak. Ebak, kabe, bake, beka. Malalayo sa eta/echas. Lalong malayo naman sa feces o shit (pero masarap sabihin ang “shit” shit! Shit kahit paulit-ulit, shit!). Ang ebak marahil ang pinanggalingan ng dyebs. Siguro, tinawag ding dyebak ang ebak once upon a time. Thus, the slicker “dyebs”. Pero hindi ako naging pamilyar dito. Dyebs o ebak lang ang kaya kong pagpalit-palitin. Minsan nasisingitan ng shit/siyet. But not on the context of “Shit dude, I wanna shit!” o “Shit dude, stop the car, mashi-shit ako!”, pwede pa ‘yung ganito “Shit dude, maeebak ako!” o kaya “Shit dude, madyedyebs ako!” at “Taena pare, iparada mo, matatae na ‘ko!”. Either of the latter three will definitely do, sa iba-iba nga lang na sitwasyon. O depende sa pangangailangan.

May poise pa kasing nalalabi sa “Shit dude, madyedyebs ako!” hindi pa masyado ang sense of immediacy, baka hindi ka rin seryosohin ng makakarinig. Hindi kagaya ng “Taena pare, matatae na ‘ko!”. Kapag ito na kasi ang nasabi ko, pusa, dapat seryosohin na ako at dapat within spitting distance ang kubeta. And speaking of which, wala naman kasing spitting distance na kubeta sa taong “Taena pare, matatae na ‘ko!”. Totoo, take it from me. Shit happens. Bagong kasabihan: Sa taong matatae, tumitigil ang oras, humahaba ang biyahe.

Marami na akong blog na nabasa na naglalagay ng sari-sarili nilang top. Top ten favorite books, favorite poets, novelists, videoke songs, where to date, where to fuck. Blah blah. Ito’ng sa akin, parang sulating di-pormal noong greyd por. Ang siyam na hindi ko malilimutang karanasan ng rebolusyon ng tiyan. Marami ito kaya pipiliin ko lang ang siyam na pinakasusumpa kong hindi na mababakbak sa ilang pirasong neuron sa kukote ko (at iilan lang ang gumaganang neuron na ito). Lactose-intolerant yata ini. Kaya huwag hindi makasipsip/makaamoy ng dairy product, sasambulat ang bulkan. Dito bad trip sa akin si Jerry na bestfriend ko (na hindi ko matagpuan lately dahil magkakakotse na), wala daw kasela-selan ang wetpaks ko. Taena, wala na daw akong pinipiling lugar. Ho nga. Acknowledgment muna kay Pareng Perci na nagpayo sa akin na kung magbibitbit ako ng tissue para sa puwet, iyon nang wet wipes para suwabe. Sinunod ko ang payo ni Pareng Perci. But I raised the bar higher. May brand ang wipes ko: “So Soft” ang tatak. Mabibili sa Watsons at sa SM Supermarket. Tandaan ang tatak “So Soft.” Why this particular brand? Bukod sa wetpaks-friendly, may peppermint scented pa kaya hindi lang suwabe, suuuwaaabeeehh. And now, my top nine.

9. Paco, Obando, Bulacan 1994. Fourth year ako sa hayskul sa Valenzuela Municipal High School Polo Annex. Dinayo ko ng inuman ng gin bulag ang kaklase kong si Joel Sto. Tomas. Kumulo ang tiyan ko. Kaya nakikubeta ako sa kanila. Ayos. May isang timbang tubig. Kaso, kinapos ng pambuhos. Ayos, may isang container pa. Dahil madilim ang kubeta nila Joel hindi ko alam na gasolina na pala ang pinam-flush ko. Sa banyo pala nag-iistak ng gasolina ang tatay ni Joel para sa kanilang bangkang pangisda. Nag-amoy gasolina ang banyo. Buti hindi ako nanigarilyo kung hindi, potah, sunata ang labas ko. Sunata, sunog na tae. Sinabi ko na lang kay Joel noong nag-aabang na ako ng masasakyan pauwi. Kaya daw pala nag-amoy gaso ang banyo nila. Akala niya may tagas ang container. Sayang daw, malayo sana ang mararating ng bangka sa isang tabong gaso na ipinam-flush ko lang sa dyebs ko. Ho nga naman. Nakaperhuwisyo pa ako ng mamamalakaya. Buti na lang hindi ko ipinaghugas ang gaso.

8. Lumang McDo sa may Sta. Mesa malapit sa SM Centerpoint. Wala na ito ngayon. High-rise condo na. Madaming beses dito. Kapag hinahatid ko kasi si Angel noong kami pa lang, dito ako nagbabawas. Malayo kasi ang biyahe pabalik sa Valenzuela kaya kailangang magpagaan ng timbang. For senti reasons kaya nakasama ito sa listahan ko.

7. Bahay nila Jay Culang sa Tambo, Parañaque 1999. Barkada ko sa Normal si Jay Culang alias Jay Cool. Madalas kaming gumimik sa bahay nila noon. Nasa loob ako ng kubeta nila. Gaya ng nakagawian, nagbabasa ako kapag relax na nakaupo. Nagpaalam si Jay Cool saka si Gwapo Jarin, may bibilhin lang daw sa labas (malaki ang tsansang alak ang bibilhin noon). Eh walang tao sa kanila kaya okey lang. Biglang dumating ang nanay at kapatid ni Jay Cool. Kumatok sa pinto ng banyo. Akala si Jay Cool ang nasa loob. Siyet. Hindi nila ako kakilala. Nalintikan. Akala magnanakaw ako. Hindi ako magkandatuto kapapaliwanag na kaibigan ako ni Jay Cool. Naranasan n’yo na bang magpakilala sa may-ari ng kubeta habang ginagamit ang kubeta nila? Isipin ko pa lang nahihiya na ko.

6. Baguio going to Sagada January 2, 2001. Hindi ko alam kung may kinalaman ang elevation sa kapritso ng puwet ko. Baka wala. Sana wala. Madaling-araw, mga alas-kuwatro, paglagpas ng huling stop-over ng Victory Liner sa Sison, Pangasinan kumulo agad ang hindi dapat kumulo. Pinigil ko ang pagtagas ng dyebs with all the youthful effort I can muster. Pinagtawanan ako ng tropa kasi ang ginaw ng aircon pero umaagos ang pawis ko. Heto pa, pagbaba sa unang gasolinahan sa dulo ng Marcos Highway sa Baguio, sarado pa. Bolsyet. I have to force my way in. Iniwan ko si Thad, Jojo, Paeng, Jett, Alan M. na makipagtalo sa guwardya. Basta ako eebak. Bahala na silang ma-shot gun.

5. Sagada January 7, 2007 (potah bakit laging Sagada!) Dito tumitibay ang hinala ko sa elevation. Maayos ang kubeta sa St. Joseph. Kaso mo, huling araw na ng bakasyon namin ni Konsehal Gerry sa Sagada. Empake na lahat. Hindi, ang totoo inaabangan na namin ang last trip ng Lizardo Transit pabalik sa Baguio. Kumulo ang tiyan ko habang nag-aabang. Takbo pabalik ng St. Joseph. Kinatok ni MJ, kasama namin ni Konsehal Gerry, ang pinto ng cubicle. Dumating na raw ang Lizardo Transit. Paalis na daw at ako na lang hinihintay. Ang dami kong inabala. Muntik na kaming abutin ng dilim sa Halsema Highway.

4. 7-11 MacArthur Highway Balagtas, Bulacan July 2000. Kung hindi ka rin lang gwardya o empleyado ng 7-11, malabo kang makadyebs sa tindahang ito. Madaling araw iyon, nagtatrabaho ako kasama si Jojo Pacis sa Public Information Office ng Valenzuela. Dahil maganda ang write-up sa editoryal na tungkol sa amin ng isang tabloyd (na hindi ko ibubulgar ang pamagat), nag-treat kami sa editorial board na puro barako. Sa Mystique sa Quezon Av. Laklakan til kingdom come. Tapos hinatid namin ni Jojo ang EIC sa bahay nila sa Balagtas. Tapos umuwi na kami pero nag-hot choco muna kami sa 7-11. A t dun na nga. Ayaw pang ipagamit ang CR nila. Sabi ko nang may tama pa ng beer na: “’Pag hindi n’yo ko pinatae sa CR n’yo dito ko tatae...” Natakot nang makita ng gwardya na modelong Lancer na red plate ang gamit namin. Akala big time na government official kami ni Jojo.

3. Philippine Airlines October 2004. Somewhere above Bicol. Mula Cebu, sinubukan kong eksperimentuhin ang kubeta ng eroplano. No dice. Mahirap umebak for the sake of experience. Maganda lang isipin na umebak ako 30K feet above.

2. Forest Grill sa scout area sa Kyusi, August 2007. Galing kami sa dinner-meeting ng dati kong boss sa isang bangkaroteng kompanya sa Ortigas. Isinama ng boss kong SVP ang asawa niyang malakas daw ang balis. Nakatuwaan daw ako. Tawa nang tawa sa akin kahit hindi naman ako nagpapatawa, paano ngang magpapatawa e seryosong miting ‘yun kasama ang President and COO. Nang nakasakay na ako sa museum-material na kotseng bulok ng boss ko patungong Edsa, biglang kumulo ang tiyan ko ng ubod ng, ng, ng, bolsyet, ubod ng sakit! Sobrang sakit ng tiyan ko kaya sabi ko dalhin na ako sa East Avenue Medical Center. Pinaharurot ng boss ko ‘yung Nissan Sentra niyang kapanahon pa ni Nunong Noah at Jacob, experiment car pa lang ng Nissan noong panahong ang Nissan pa ang nangungunang tagagawa ng martilyo at fastener sa Japan. Sabi ko, idaan muna ‘ko sa isang disenteng gimikan na may disenteng kubeta bago ipaospital. Bago ako mahulog/bumaba ng awto, nilawayan ako sa tiyan ng asawa ng boss ko. Taena, awkward, napaka-awkward. Yun na. Ubos-lakas kong tinakbo ang kubeta matapos dakutin ang lahat ng tissue ng tatlong mesang nadaanan ko. Give na give. May kasama pang halinghing. Letse, wala na akong pakialam sa mga nakapila sa pinto. Parang nagdahilan lang ako pagkatapos. Nakainom pa ako ng tatlong San Mig Light courtesy of my boss. Danyos siguro ng boss kong may asawang emperatris yata ng mambabalis sa buong kapuluan. Buti na lang kakilala ko ‘yung DJ ng gimikan, si Fritz na taga-Malanday. 80s night daw nila noong gabing ‘yun. Nag-request pa ako ng kanta, “Through the Barricades” ng Spandau Ballet. Ayos. Alas-tres na ako nakauwi sa amin sa Valenzuela na maluwag na maluwag ang tiyan. Naniniwala na ako sa balis mula noon.

At ang pinakashit sa lahat...

1. Aguinaldo Highway Cavite October 28, 2005. Matapos ang field study namin sa Marikina nila Konsehal Gerry Esplana, Jerry Gracio, at Ariel Chua dumeretso kami sa Tagaytay. May speaking engagement si Konsehal Gerry sa mga nagse-seminar na Sangguniang Kabataan ng Valenzuela. Sumama din ang asawa ni Konsehal Gerry na ninang ko sa kasal kasi birthday din ni Konsehal Gerry kaya tuloy gimik na rin kami. Matapos ang talk, humanap kami ng pinaka-cozy na inuman sa gilid ng bangin ng Taal lake. Laklak. Si Ariel lang ang hindi tumoma dahil driver namin. Pagkatapos tumoma, mga bandang ala-una ng madaling-araw, dumaan kami sa Starbucks para magkape. Dahil mahiyain ako kapag libre, umorder ako ng venti na frap. Inubos kong pilit ang halos santimbang hazelnut rhumba creme frapuccino. Nung nasa Aguinaldo Highway na kami, noon inamin sa amin na may third eye ang Ninang Jenny ko. Marami daw siyang nakikitang multo, at katunayan, sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, napakarami daw niyang nakikita, may bata, may matanda, parang lahat nag-aabang sa pagdaan ng sasakyan namin. Marami daw umiiyak. Maingay sila. Siyet. Takot ako sa multo pero hindi ko na inintindi dahil nagwawala na ang tiyan ko sa San Mig Light cum fatal frap concoction na pinilit kong ubusin. Ayos di ba. Maraming multo pero taeng-tae na ako. Hindi ko nagawang matakot. Ang natatandaan ko lang pinatigil na ni Konsehal Gerry sa pagde-describe ng nakikitang multo-multo ang Ninang Jenny (na nagsimula nang pangiliran ng luha sa dami ng multong nakita) dahil kinikilabutan na silang lahat maliban sa akin. Napansin nilang pinagpapawisan ako, tinanong kung may third eye din daw ba ko. Sabi ko—no point denying—na taeng-tae na ko kaya ako pawis na pawis. Tatadyakan ko at papatayin sa sakal ang lahat ng maligno at multong hahalang sa akin papasok sa isang komportableng kubeta! Nalimutan nilang bigla ang multo’t maligno. Hanap kami ng gasolinahan, wala. Nakarating ng Bacoor, wala. Lumilipad na halos ang Honda ng konsehal. Coastal road, wala pa rin. At hayun na nga, nakarating kami sa Heritage Hotel. Ineskortan pa ako ni Konsehal Gerry sa lobby. Ginudmorning pa kaming dalawa ng gwardyang de-barong na gusot-mayaman ang tela. Sosyal.

Minsan dapat talaga magkutkot na lang ng butong kalabasa kapag walang magawa e, kaysa sumulat ng mga ganitong shit.

Tuesday, February 8, 2011

Bakit ako naging titser?

Sagot ko ito sa dati kong mag-aaral via FB. pakiramdam ko worth posting. Nag-o-ojt pa lang marami nang kasentihan sa buhay itong estudyanteng 'to. So heto ang sagot ko sa tanong niya kung masaya ako sa pagiging titser:

Hello Bb. Lavidez. Salamat sa pagkakataong napag-isip mo ako. To tell you honestly, I never asked myself why I am in such a mess, to teach that is. Nang sabihin ko sa iyo na masaya akong nagtuturo, ang totoo, masaya naman kasi talaga akong nagtuturo. Not in a way that teaching has something to do with natural high but, basta masaya. Kasi:


I never had the chance to teach high school students maliban noong off-campus namin sa Normal. Hindi ako nag-enjoy kasi pakiramdam ko bahagi lang ito ng requirement para magkadiploma. Na totoo naman. Nagturo ako sa Villamor High School sa Paco, Manila. Isang iskuwelahan na breeding ground ng mga gangster na walang kaluluwa. Pero wala akong pakialam noon (kung paanong baka wala ka ring pakialam ngayon kung anuman ang kalabasan ng iskuwelahang pinagtuturuan mo). Basta ang sa akin, makatapos (na baka punto mo rin ngayon). Pero matapos ito, itong off-campus, basta, parang may mahiwagang kamay na humipo sa akin.


Gaya ng pananaw ni Rizal, pakiramdam ko may sakit ang bayang ito. Dalawa lang: kung hindi ako bahagi ng solusyon, bahagi ako ng problema, ganoon ka-polarized. Extreme. Maybe it has something to do with what I’ve read pero, pakiramdam ko, malaki ang problema ng bayang ito. Noong high school ako halimbawa, andami kong nakitang estupidong titser. Andami talaga, to the point na pinanindigan ko na ako ay isa ring estupidong estudyante para lang pumasa sa estupidang titser. At dapat sana, okey na.


Habang tumatanda ako, hindi ko alam ‘no, pero parang lumalalim ang social commitment ko. Natatakot akong akong isipin na ito ang bunga ng edukasyong PNU ko. Pero baka hindi rin, kasi lahat ng kapatid ko, at ang mismong asawa ko ay produkto ng PNU na hindi ko naman nakaramdaman ng social commitment such as I have (or pretending I possess).


Sa pagharap ko sa mga mag-aaral, pakiramdam ko, may hindi kayang ibigay ang bayang ito na tanging guro lamang ang makapagpo-provide. Basta ganun. Pakiramdam ko bayani ang maging guro (na totoo naman sa dami ng gawin at liit ng suweldo). Pero hindi agad ako naging guro. Not in the strictest sense though.


Pakiramdam ko, if you could make a dent out of this wretched world, somehow, you make this world a better place to live in. Contibute ka lang. Kaisipang “solusyon ako at hindi problema.” So hanggang ngayon, bitbit ko pa rin ang prinsipyong iyan. Saang paraan ka magko-contribute to make this world a better place to live? Ang maging titser ang pinakamagaling. Kaya ako masaya. Lalo na noong nasa SLSU ako.


Hanggang ngayon, kung ang pagbabatayan ay ang impact sa mundo, I believe being in CTE-SLSU makes the most sense. Naiyak ako nung umalis sa CTE. Hindi dahil lalaki na ang suweldo ko (na totoo naman by leaps, lumaki ang sweldo ko) pero the saddest part ay ang mapahiwalay sa minamahal kong mag-aaral. Ito ang pangarap ko kung hindi ako nawala sa SLSU: 10 years from now, lahat ng guro sa high school sa Quezon ay dapat na maniwalang instrumento sila ng pagbabago; na dapat ang mga guro sa Quezon muna ang maniwalang gaganda pa ang bansang ito, na more than what these teachers can provide their family, magpapahalaga ang mga tao sa Quezon sa kakayahan ng bawat isa nang walang lamangan. Basta ganun kasenti.


Bakit ako masayang nagtuturo? Dahil kahit kailan, hindi ko tiningnan ang trabahong ito bilang comfort zone. Masaya ito dahil a teacher makes the most impact in making this world a better place.

(F**k, ang hirap magkapaka-profound. Kung sa susunod ay may magtatanong uling estudyante sa ganito ring tanong, ang isasagot ko na lang ay "love is blind")

Thursday, June 17, 2010

Dear Allan Popa

Bakit ko ito ipinoste? Blog ko kasi 'to.


Dear Allan,

Kumusta ang Estados Unidos? Bakit ako sumulat sa iyo? Dederetsuhin ko na. Mang-aabala sana ako kahit alam kong abala ka na sa tambak-tambak na gawain mo diyan. Ganito kasi yun, ang paksa ng M.A. tesis ko sa La Salle ay parang ganito: “Ang Bago sa Bago: Pagtatakda ng Hangganan ng Bago sa Makabagong Panulaang Filipino.” Siyempre bahagi ka nito, kasama si Rio (mayroon pa bang bago?), Joey B., Vim, Egay, (na papasa-Amerika na rin), Jerry G., Ayer, at iba pang maaaring ikonsidera para mabuo ang papel ko. Pero ang isa sa sigurado ay ikaw though hindi ito tungkol sa iyo kundi sa panulaan mo at ng ilang kaibigan sa High Chair. Bakit ikaw? Dahil sa laki ng impluwensiya mo, at ng iyong panulaan, sa mga bagong makata. Parang ganito lang, magpapadala ako ng mga tanong na parang iniinterbyu kita siguro via FB na rin. Tapos iyon, kung maaari, kahit alam kong makaaabala sa iyo, pakibigyan mo ng kaunting paliwanag. Parang magbe-benchmark ako ng ilang dapat makita para matawag na bago, pero siyempre babalikan ko ang luma, o ang mga “bagong” naluma. O lumang naging bago. Working hypotheses ko kasi kung bakit bago ang bago ay dahil bago ang makata (o bata?), bagong sinasabi kahit luma ang makata, bagong kalap ng impluwensiyang labas sa Pinas, bago ang paksa (wala nang bagong paksa?), bago ang halayhay ng lenggwahe (pamilyar ka ba sa jejemon? O texting?) dulot ng teknolohiya at media. Nag-iipon ako ng materyal para mabuo ang ilang bahagi ng tesis. Balak kong idepensa ang proposal sa Hulyo at yung kabuuan ay sa Nobyembre ko na ihaharap sa panel. Sa pagitan ng Hulyo at Oktubre kita sana babagyuhin (hindi, uulanin lang o aambunin) ng tanong. Pare, sana makuha ko ang pagsang-ayon mo. Hubad ang tesis ko kapag wala ang isang Allan Popa. At hindi ito masaya. At baka hindi ako pumasa. Tatanawin kong malaking utang na loob ito. Salamat ngayon pa lamang.

Paumanhin, dito ko na lang idinaan sa FB.

Kaibigan,

Joselito

heto naman ang sagot ni Allan matapos ang tatlong araw:


Hi Joey,

Salamat sa pagkonsidera sa likha ko sa iyong thesis. Napakainteresesante nga ng iyong proyekto at palagay ko, panahon na para sa ganitong pag-aaral.

Wala pong problema. Ipadala mo lang ang mga tanong at sisikapin kong tumugon agad.

Allan

Tuesday, May 18, 2010

Helicopter ni Gov. Nantes

Narito po ang larawan ng nag-crash na helicopter (tugma ang registry number ng larawan at ang binabanggit ng pahayagang Philippine Star). Kuha ko ito sa campus ng SLSU-Lucban noong Marso. Ang totoo, unang pagkakita ko pa lang, may kakaibang kaba na ako sa hitsura ng helicopter, pero siyempre hanggang kaba lang ako. Nabanggit ko yata ang kabang ito sa isang kasama at ilang mga mag-aaral habang pinipitikan ko ng larawan ang helicopter.





a
Nakikiramay po ako sa pamilya ng aming gobernador at kaniyang mga kasama at nadamay sa malagim na pangyayari. At siyempre, sa isang magandang lalawigang naulila.

Tuesday, May 4, 2010

MELANCHOLY MEMORIES OF OBANDO





*JOSELITO DELOS REYES is an award-winning poet in Filipino, and a member of the Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). A teacher by profession, he is currently taking a master’s degree in Philippine Studies at the De La Salle University-Manila. Raised in Obando, he now lives in Lucban, Quezon.

Not that I don’t have a hometown, but I used to long for what my college buddies and colleagues have—a hometown brimming with pastoral air, a two-month preparation for a journey during extended holidays, the challenge of landing a discounted airfare ticket, and bringing in goodies after vacation. Not with Obando, my minimum-fare hometown because of her proximity to the bustling metro. Jeepney-fare as of this writing: P 15 from Monumento, the heart of Caloocan City.

From where I used to stay in Valenzuela City, Obando—measuring the shortest distance between two points—is just a two-kilometer horizon among parcels of bangus, sugpo, and tilapia ponds. Even on a hazy day, the San Pascual Baylon bell tower and American-era tangke de agua can be seen from our backyard. Kwitis display can be watched and heard during fiestas signaling the start of the morning fertility rites procession, and my family’s fifteen-minute tricycle return to the hometown.

While I only briefly studied in Obando, I am still proud of being one of the voracious talaba munchers of my hometown, a habitué of a local greasy burger joint called “McDomeng”, a hole in the wall somewhere in Barangay Catanghalan. The owner was named—you guessed it right—Mang Domeng, who, aside from being the owner of the former burger monopoly in Obando, had a minor role as the character “Domeng” in Iskul Bukol, the sitcom of the new wave and Betamax generation. (Last I heard from an Obando e-group on Facebook, the burger joint is still lording over the town’s burger industry, but now on a classier establishment.)

At the onset of the Spandau Ballet and Bagets epoch, Sundays were Obando days. After attending mass, my family would visit aunts, uncles and cousins. We share the same fried tilapia, paksiw na ayungin, a shrimp variety called “hipong puti” in sampaloc broth and—far from the aphrodisiac notion of my elementary and still tender mind—talaba swimming in garlic-vinegar. During these short but frequent visits, I became the local text (not the SMS but the popular betting game using an inch by two-inch cards, one side printed with drawings of stills from local action movies of Dante Varona and Anthony Alonzo) and rubber band mogul cum plunderer of my playmates.

I have so many hometown memories. It was there where I first puffed a Marlboro, gulped my first bitter brown bottle on a family reunion, and first blurred my vision courtesy of the pricey thirty-peso long-necks and cheaper bilogs and lapads in between tabo-servings of tahong and silvery fish creatively called buwan-buwan and bidbid fresh from Barangay Binuangan, a motorized bangka-ride away from the bayan. It was in Obando where I first experienced the primal palpitation from a first year high school crush named Cherry San Diego of Barangay Lawa (Where is she now? I don’t know, some foreign lakes maybe. Facebook has its limits). It was also on my minimum-fare hometown that I learned the mystic rhythm and chant of Pasyon, voice amplified by gargantuan servings of biko, kutsinta, palitaw, and scalding cupfuls of chicken sopas, sweetened mongo and salabat. It was on Rebecca, the lone bedbug-infested movie house in town now turned into a Christian fellowship quarters, I marvelled the first three big screen movies of my life, all re-runs I believe: the first “Superman” starring Christopher Reeve, Dino de Laurentiis’ “Kingkong”, and “The Untouchable Family” starring Chichay and Redford White, a parody of Brian De Palma’s 1987 hit “The Untouchable”.

Before I read Doña Pia’s ordeal under Padre Damaso in Rizal’s Noli Me Tangere (in-passing during high school and college, and in full when I became a college instructor), I have always known that Obando is famous for her fertility rite processions. My cousins and I would always slither our way in the crowd to catch glimpse of pairs wanting to have a baby amidst the symphony of the blaring Musikong Bumbong and Magsikap Band. Always, a middle-aged and sun-baked couple gracefully led the dancing procession. I was told by my nanay, though I never had the chance to confirm, that the said former childless couple came from Cebu, and had become a permanent devotee of the procession performing their panata, even after the three patron saints—Sta. Clara, San Pascual Baylon, and Nuestra Señora de Salambao—granted them three kids. I was told, though again unconfirmed, that they named their children Clara, Pascual, and Virginia.

Once there was neighborhood news that Vilma Santos, who was then still childless with second husband Ralph Recto, would finally grace the dance floor that is Obando to have a child. Faster than shouting “Darna!” or “Ding, ang bato!”, news spread to town. It seemed that all fair-minded people who owned TV sets in Obando trooped the church grounds to see Vilma and Ralph in the flesh to dance the “Santa Clara pinong-pino...”. I have never seen the Darna of my youth in person. The following morning, the third and last day of fiesta, another wildfire of a gossip emerged; allegedly because of a looming crowd management crisis of the hermano mayor and the local police, Vilma and Ralph would just attend the morning pre-procession mass and would no longer swing on the parade. They were no-shows. That also happened to Sharon and Kiko years after. I no longer fell for the news.

Fiesta processions traversing the major artery (J.P. Rizal Street) and minor streets of Obando (Claridades and Plaridel) usually lasted three hours, in time for sumptuous lunch of seafood at the local market called punduhan. Food is good here with atsarang dampalit, a variety of grass growing on the river and fishpond banks of Obando. Fiesta afternoons were spent haggling with calamay, sinigwelas, and kasuy street vendors, if not looking for bargain goodies at the church patio turned pre-Made-in-China tianggehan. A nightly perya awaits the locals. Because of countless Ferris wheel rides, I learned to muster the courage to ride mammoth roller coasters and erased acrophobia on my vocabulary. I have seen the carnival’s Amazona who gorged on live chickens (not real, though she can kill the hapless white leghorns with a dinosaur-strength bite on the neck) and Babaeng Oktopus (again, not real; the girl has upper and lower limb deformities). It was in the same peryahan where I temporarily got hooked to beto-beto, a dice game on saucers tapped on ply boards.

My studies in Manila prompted me to lessen my Obando adventures. The visits eventually became occasional and we soon found ourselves in Obando during weddings and wakes. Nanay was no longer around to let me into Obando’s briny atmosphere. It is not an irrevocable dispersal but dispersal nonetheless. I still momentarily pause to take sight of Obando in television especially during this time of mushrooming festivals. I can still remember the very meaning of a fiesta in its splendor.#


The Musikong Bumbong image (with an imprint of Image Philippines) came from the Obando, Bulacan FB account. Daghang salamat sa walang pakundangan kong paggamit sa retrato ninyo.

Ilang-ilang namin


Ginamit pa ang Diyos. Pakikinabangan daw ng Diyos ang ilang-ilang namin dahil itutuhog daw kasama ng sampaguitang hinahango nila galing Maysilo. Tapos isasabit sa mga icon o sa altar ng mga PUJ na biyaheng Monumento-Polo o Sangandaan-Polo. Matagal na daw nilang kabuhayan ang magtuhog ng sampaguita at ilang-ilang, halos dalawampung taon na. Minsan na daw nilang nadaanan ang puno ng ilang-ilang ng Kuya Boy na namumusarga sa bulaklak. Bitbit ang maliit na panungkit, bibilhin daw nila lahat ang ilang-ilang para daw mapakinabangan.



Kahit alam kong malaki ang pakinabang namin sa ilang-ilang dahil sa amoy nito sa looban namin sa Coloong, hindi ko na sinabi. Sabi ko, hindi sa akin ang puno, hintayin ang Kuya Boy na siyang nagtanim at nag-alaga para lumago ang punong naninilaw sa bulaklak. Nagpumilit ang matanda kasama ang anak daw niyang matanda na rin. Sabi ko maghintay. Nagpumilit na pumitas. Sabi ko maghintay hanggang mamyang hapon pagdating ng Kuya Boy. Magtutuhog na daw sila mamyang hapon. Sabi ko bukas ng umaga. Ayaw umalis sa gate namin. Hindi na raw nila susungkitin ang mataas, ‘yun na lang daw mababang bulaklak ang puputputin, ‘yun lang daw maabot ng matanda. Nakumbinsi ako dahil ginamit na naman ang Diyos. Bumigay ako. Bahala na, sa isip-isip ko. Kapag nadatnan ng Kuya Boy, dun na lang sila magpaliwanag. Pinutpot ang bulaklak, nakahalos kalahating fishnet. Salita nang salita tungkol sa buhay nila bilang magsasamapaguita, tungkol sa mga anak niya, na lalo daw yayabong ang puno dahil tinatalbusan ng bulaklak.


Binantayan ko habang pinupupol ang puno. Ang lintek na camera ko, nasa hiraman kaya ginamit ko ang pipitsuging lente ng cellphone. Pitik ako nang pitik. Salita naman nang salita ang matanda. Sabi ko tama na at mukhang marami nang napupol na bulaklak. Akala ko kaunti lang ang maaabot ng matanda. Hindi ko akalaing halos mapangalahati ang fishnet. Nag-abot ng apat na baryang lilimampisuhin. Matutuwa daw ang Diyos dahil mababanguhan na naman Siya. Bantulot kong tinaggap ang beinte. Iaabot ko pagdating ng Kuya Boy. Bahala na kung magalit dahil nakalbo ang ibabang bahagi ng puno.




Bago umalis ang mag-inang matanda, napansin nila ang malagong pandan malapit sa puno ng ilang-ilang. Babalikan daw nila at bibilhin. Ipampapabango sa minatamis. Hindi na ginamit ang Diyos.


Nang makaalis ang mag-ina at bago ko pa ma-upload ang mga retrato sa laptop ko, naalala ko na sinabi ng bayaw kong dating tsuper ng dyipni na ang mga sampaguita sa mga altar at rearview mirror ng PUJ na biyaheng Monumento-Polo o Sangandaan-Polo ang resibo sa pangongotong ng mga pulis at traffic-aide sa M.H. del Pilar. Tsk tsk. Ginamit pa ang Diyos.

Tuesday, March 16, 2010

Na-malware ka na ba?

Nagmagandang-loob ako sa mga mukhang gustong maka-attend ng libre at may allowance pang writers' workshop. Kaya nagpoposte ako ng link ng blog ko sa mga wall ng kakilala ko sa FB. Idinikit ko sa blog ko 'yung press release ni Joey Baquiran ng U.P. Diliman. Eto ang eksaktong sabi nung isa kong pinostehan, si Carlo, batang Manila Boy:

Warning: Visiting this site may harm your computer!
The website at superkabado.blogspot.com contains elements from the site www.osptp.org, which appears to host malware – software that can hurt your computer or otherwise operate without your consent. Just visiting a site that contains malware can infect your computer.

For detailed information about the problems with these elements, visit the Google Safe Browsing diagnostic page for www.osptp.org. --HAHAHA si Jowie naghohost ng malware!Fri at 6:05pm ·


Na sinang-ayunan naman ni Jay Cool, batang Manila boy ng Parañaque, ng isang "onga".

NYETAH NAGHO-HOST DAW AKO NG MALWARE! Ako magho-host ng malware?! Ako na isang titser na tapat sa tungkulin magho-host ng malware! Ako pah!??!??

Hindi ko naman talaga alam kung ano ang malware kaya tinanong ko ang barkada cum resident techie consultant ko. Heto ang eksaktong text ko kay Percy: Pare gud am. Nagka-malware daw 'yung blog ko. Pano gagawin ko dun?

Sagot ni Percy: Palit agad ang pasword. Then burahin lahat malicious entries. Dnt download anything yet.
(Ito nga ang ginawa ko, pinalitan ko ang password ng blog ko. Sa sobrang hirap tandaan ng password, kailangan ko pang kumuha ng account sa bangko para maideposito ang password, at saka kailangan kong isulat sa pader ng boys cr sa buong kampus. Binura ko ang malicious entries--pero teka, lahat ng isinulat ko bang malisyoso? andami nun--kaya ang ginawa ko na lang, binura ko yung mga gadgets na nagbubuga ng mga painting ng mga sikat na pintor. Saka 'yung quotation ni Homer Simpson at Einstein)

Sagot ko naman: Nag-install kase ko ng mga gadgets e. Last wk. Dun ko nakuha yun. Pag ba binura ko gadgets mawawala rin malware?

Sagot uli ni Percy: Mukhang nakadownload ka ng trojan (bad program posing as good programs). Remove mo muna yung mga widgets na ininstol mo then get an anti virus. Avast or avg wil do. Then install ad aware. Run a thorough scan.

(Nyetah, oo nga, trojan, trojan ano daw? Mukhang masama dahil based on archetypes--literary or otherwise--trojans "is non-self-replicating malware that appears to perform a desirable function for the user but instead facilitates unauthorized access to the user's computer system. The term is derived from the Trojan Horse story in Greek mythology." galing sa wiki. Pero ito ang kagandahan kay Percy, kaya niyang ipaliwanag ang techie talk at gawing lumpen talk para maintindihan ko, o mistulang maiintindihan ko. E di tinanggal ko na nga 'yung widgets--na akala ko, sana, ay pareho ng gadget sa blog. Alam ko pa yung avast at avg, ang hindi ko na nakuha ay yung ad aware, techie talk na uli si Percy)

Sagot ko uli: Hindi pc ko naapektuhan. Hindi ako nag-iinternet sa laptop ko dahil may libre na sa iskul he he. Inaalala ko yung blog. Binura ko na widgets/gadgets ko. Napuntahan mo ba? An0 lumalabas?

Blog lang ang problema ko. Naliligo sa reformat ang pc na ginagamit ko.

Sagot uli ni Percy: Diko pa na check e, nagbabayad ako ng kuryente e.

Pinabili lang pala ng suka.

Sagot ko uli: He he. Sge pare. Binura ko na yung mga gadgets na ininstall ko. pakitingnan nga kung mer0n pa. Salamat.

Meron pang ano? malware? nakikita ba 'yun? Ang hirap magmarunong.

Nga pala, si Percy, 'yung techie na kayang mag-translate ng techie talk patungong lumpen talk, ay siya ring photographer ng retrato ko na dinikitan ng pamagat ng blog. Ganda ng kuha niya sa insekto 'no? Note: hindi ako 'yung insekto.

Tuesday, February 9, 2010

Monthsary


(Nanginginig ang boses) “Shit. After nineteen years, ganun na lang? Isang araw gigising ka na hindi mo na ko kailangan?”

(Umiiwas sa tingin, sa nanunumbat na tingin) “Yep. Hard to explain, but, but, but good times, you see, should come to an end, end that way, abruptly. So-sorry.”

“Sorry? Sorry? ‘Yun lang? Nag-decide ka without even considering me? Shit!”

(Tinitigan ang hawak na basong may malamig na lambanog) “Alam ko, hindi na kailangang ipagpabukas e.”

(Tutulo ang luha, manginginig ang boses) “Ganun, nagpapatawa ka ba? Hindi na kailangang ipagpabukas, ha ha, e sino ba ko? Sino? Shit, I’ve been with you nineteen years, nineteen years lang naman heaven sakes... tapos iiwan mo ko, walang pasabi, walang paalam kasi, kasi, kasi... hindi na puwedeng ipagpabuhuhukas...”

(Nakatingin pa rin sa laman ng baso, nakatungo, mahinang-mahina ang boses) “You see, before, still can’t imagine myself na, na, na wala ka... that hellish week.”

(Mahina ang boses, may pagmamakaawa) “Ganun naman pala e, kalilimutan ko ‘to, kalilimutan ko lahat, walang nangyaring ganito ngayon, just, just... let’s be together again, please. Please.”

(Iiling lang, nilagyan ng lambanog ang baso kahit marami pang laman)

“Pl-please?...”

(Iiling lang, ngumiti, tutusok ng pulutan sa plato)

(Nanginginig ang boses, barely audible) “Please?... You can do no wonderful things without me...”

(Iiling lang, ngingiti) “Hindi ko malalaman, unless I try. So I tried... I’m trying, I’m moving on, it’s been a month.”

(Nabuhayan ng loob, tumayo, ngumiti) “This is just a bad dream, a nasty dream, yeah, I know, hehehe, dito rin ‘to magtatapos. Napanaginipan ko na to e. Napanood ko na to sa teleserye. At bago ko magising you will say ‘You’re right, can’t live without you, blah blah blah’ happy ending, masarap ang gising, masarap ang kape.”

“No, no, hindi ‘to panaginip, hindi ka magigising... gising ka na... after a month, I’d say I’m happier... much happier without you. Sorry.”

(Magbabago ang timpla, manginginig sa galit, tutulo ang luha) “Hindi totoo ‘yan, you still imagine me beside you, naiisip mo ang good times memorable times between us, tinitingnan mo pa rin ang mga pictures natin together kahit pa kasama ang mga barkada mo... masaya.”

“Yep, naiisip ko pa rin...”

“E shit ‘yun naman pala e. Walang nagbago, hindi ko iisiping nangyari ‘to, I’ll consider this, this past month as a lull, bakasyon, regrouping, nag-recharge ka, heto na ‘ko, simulan natin uli...”

“No, kakayanin ko, kakayanin ko ang wala ka...”

“kasama mo ko sa paglaki Jowie... It’s fucking easy for you to say na iiwan ako, alin, katorse ka pa lang no’n di ba? Sa’n ka ba nanghiram ng tapang, ‘di ba sa ‘kin? Gwapo ka ‘pag kasama ko ‘di ba? Macho ka di ba? Matalino ka di ba? Magaling kang dumiskarte ‘pag kasama ko. Tapos you have the balls to tell me na kaya mong mabuhay nang wala ako? You’re weak Jowie, I know you, I know you like the crevices of my face, my palm... you are a weakling. Pwe!”

(Ngingiti, iiling) “I’m happy. ‘Yun lang. I’m happy.”

(Mag-iiba ang mood, pipiliting maging masaya, papahiran ang luha) “Remember, high school graduation, ansasaya n’yo nila Obet, Tan-tan, at Alon. May picture ka pa nun di ba? Blue polo shirt, gray slacks... tapos sa PNU, walang araw na hindi tayo magkasama. Sa work mo, as in every work mo ha, at marami ‘yun, every job you landed, tadaaaah, I’m with you. Those were the moments...just about every special moment.”

“I know, nang ikasal ako, nang ipanganak si Divine, birthdays...”

“And did I mention the deaths?... hard times noh, nanay mo, tatay mo, but you weathered it all, with me. Can’t live without me noh?”

“I can... I’m trying. I’m winning.”

“No, no, no ‘wag ka munang magsalita, this is just a lull. Shhhhhh... matatapos din ‘to. Kahit hindi ka mag-sorry tatanggapin kita, what’s nineteen years ‘di ba... tatanggapin pa rin kita. Walang tanong-tanong. Okay?”

“I’m winning... my family’s winning.”

“I’m part of your family. This is just a lull.”


“Shut up. I better be home.”
(Inistreyt ang lambanog)


“This is just a lull. Tatanggapin kita, open arms.”


“Get lost.”


“This is just a lull...”

“Fuck you.”














Sabi nga ng etiketa ng mga sigarilyo: “Government warning: cigarette smoking is dangerous to your health.”



Tumigil akong manigarilyo hindi dahil sa naniniwala na ako sa gobyerno.