Sagot ko ito sa dati kong mag-aaral via FB. pakiramdam ko worth posting. Nag-o-ojt pa lang marami nang kasentihan sa buhay itong estudyanteng 'to. So heto ang sagot ko sa tanong niya kung masaya ako sa pagiging titser:
Hello Bb. Lavidez. Salamat sa pagkakataong napag-isip mo ako. To tell you honestly, I never asked myself why I am in such a mess, to teach that is. Nang sabihin ko sa iyo na masaya akong nagtuturo, ang totoo, masaya naman kasi talaga akong nagtuturo. Not in a way that teaching has something to do with natural high but, basta masaya. Kasi:
I never had the chance to teach high school students maliban noong off-campus namin sa Normal. Hindi ako nag-enjoy kasi pakiramdam ko bahagi lang ito ng requirement para magkadiploma. Na totoo naman. Nagturo ako sa Villamor High School sa Paco, Manila. Isang iskuwelahan na breeding ground ng mga gangster na walang kaluluwa. Pero wala akong pakialam noon (kung paanong baka wala ka ring pakialam ngayon kung anuman ang kalabasan ng iskuwelahang pinagtuturuan mo). Basta ang sa akin, makatapos (na baka punto mo rin ngayon). Pero matapos ito, itong off-campus, basta, parang may mahiwagang kamay na humipo sa akin.
Gaya ng pananaw ni Rizal, pakiramdam ko may sakit ang bayang ito. Dalawa lang: kung hindi ako bahagi ng solusyon, bahagi ako ng problema, ganoon ka-polarized. Extreme. Maybe it has something to do with what I’ve read pero, pakiramdam ko, malaki ang problema ng bayang ito. Noong high school ako halimbawa, andami kong nakitang estupidong titser. Andami talaga, to the point na pinanindigan ko na ako ay isa ring estupidong estudyante para lang pumasa sa estupidang titser. At dapat sana, okey na.
Habang tumatanda ako, hindi ko alam ‘no, pero parang lumalalim ang social commitment ko. Natatakot akong akong isipin na ito ang bunga ng edukasyong PNU ko. Pero baka hindi rin, kasi lahat ng kapatid ko, at ang mismong asawa ko ay produkto ng PNU na hindi ko naman nakaramdaman ng social commitment such as I have (or pretending I possess).
Sa pagharap ko sa mga mag-aaral, pakiramdam ko, may hindi kayang ibigay ang bayang ito na tanging guro lamang ang makapagpo-provide. Basta ganun. Pakiramdam ko bayani ang maging guro (na totoo naman sa dami ng gawin at liit ng suweldo). Pero hindi agad ako naging guro. Not in the strictest sense though.
Pakiramdam ko, if you could make a dent out of this wretched world, somehow, you make this world a better place to live in. Contibute ka lang. Kaisipang “solusyon ako at hindi problema.” So hanggang ngayon, bitbit ko pa rin ang prinsipyong iyan. Saang paraan ka magko-contribute to make this world a better place to live? Ang maging titser ang pinakamagaling. Kaya ako masaya. Lalo na noong nasa SLSU ako.
Hanggang ngayon, kung ang pagbabatayan ay ang impact sa mundo, I believe being in CTE-SLSU makes the most sense. Naiyak ako nung umalis sa CTE. Hindi dahil lalaki na ang suweldo ko (na totoo naman by leaps, lumaki ang sweldo ko) pero the saddest part ay ang mapahiwalay sa minamahal kong mag-aaral. Ito ang pangarap ko kung hindi ako nawala sa SLSU: 10 years from now, lahat ng guro sa high school sa Quezon ay dapat na maniwalang instrumento sila ng pagbabago; na dapat ang mga guro sa Quezon muna ang maniwalang gaganda pa ang bansang ito, na more than what these teachers can provide their family, magpapahalaga ang mga tao sa Quezon sa kakayahan ng bawat isa nang walang lamangan. Basta ganun kasenti.
Bakit ako masayang nagtuturo? Dahil kahit kailan, hindi ko tiningnan ang trabahong ito bilang comfort zone. Masaya ito dahil a teacher makes the most impact in making this world a better place.
(F**k, ang hirap magkapaka-profound. Kung sa susunod ay may magtatanong uling estudyante sa ganito ring tanong, ang isasagot ko na lang ay "love is blind")
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
Sir bilib po ako sa inyo. My brother is going to college na next school year at teacher po ang gusto niya maging. He is wait-listed sa UST kaya naisip niya mag-exam sa PNU(which is known for great teachers like you sir) or DLSU-Dasma. Sabi nga po ni Lorenz Cueto na maganda sa PNU so I suggested my brother to take an exam there. Nang binabasa ko po yung blog entry niyo, na-inspire po ako sa sinabi niyo. Salamat dun sa girl na nagtanong kung masaya kayo sa pagtuturo kaya nagkaroon ng gantong entry. I think sir, you are part of the solution and you are making the world a better place to live in, kasi part nga po kayo ng solution so kami rin ay magiging parte ng solusiyon sa itinuturo niyong mga bagay.
Astig Myky, at salamat sa komento mo! Alam mo bang, palagay ko, halos wala pang sampung porsiyento ng mga naging titser mo mula noong kinder hanggang ngayon ang hindi naman nangarap maging titser? Nangarap kaming maging doktor, abogado, piloto, astronaut, scientist, artista, komedyante, sundalo, pulis, pero bihira ang nangarap maging guro at pinanindigan ito hanggang huli (dalawa ang kakilala kong nangarap maging titser na titser ngayon, kapatid ko at asawa ko, pero pambihira ito). Kaya astig na mabasa ko sa iyo na ang kapatid mo ay gustong maging guro!
okey kahit saang paaralang pangguro siya mapadpad, ang mahalaga, matupad niya 'yung nakikita niya sa kaniyang sarili, 'yung gusto niyang gawin. Ayokong makarinig sa magulang dati na sabihin sa kaniyang anak na walang pera sa pagiging titser kaya dapat mag-commerce or banking and robbe este finance na lang ang kanilang mga anak. na para bang bituka lang ang tao, basta. Tigilan ko na nga ito at nag-eemo lang ako... salamat uli!
Sir, nung una po kasi ay gusto ng kapatid ko maging basketball player. Sabi po namin ay dapat kahit 'yun ang pangarap niya, dapat may degree siya. Mahilig po siya sa mga bata kaya we suggested education. Since magaling po siya magturo sa basketball. Kayang kaya niya yun.
Post a Comment