Binubuksang muli ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), ang kilala at pinakamatandang aktibong kapisanan ng mga makata sa wikang Filipino ang Taunang Klinikang Pampanulaan para sa mga nais lumahok. Ang lingguhang klase tuwing Sabado at Linggo mula 9:00 n.u. hanggang 5:00 n.h ay tatagal mula Hunyo hanggang Agosto, subalit magkakaroon pa rin ng iilang klase hanggang Nobyembre.
Upang makapagpatala, magpadala ng isang Word Document file na naglalaman ng mga sumusunod: isang pahinang bio-data, ID picture, numero ng telepono, at limang tula sa Filipino sa palihan@liraonline.org. (Hindi tatanggapin ang mga tulang nakasulat sa Ingles at ibang wika.) Maaari rin mag-iwan ng isang sobreng naglalaman ng mga kailangan sa pigeon hole ng LIRA sa UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, College of Arts and Letters, UP Diliman, 1101 Quezon City.
Ang huling araw ng pagpapatalâ ay ang ika-30 ng Abril, 2011.
Sa ibang balita, pormal na manunumpa sa ika-5 ng Marso ang bagong halal na pamunuan ng LIRA. Si Phillip Kimpo Jr. ay nahalal sa kaniyang ikalawang termino bilang Pangulo, at sasamahan siya nina Mariane A.R.T. Abuan (Pangalawang Pangulo), Giancarlo Lauro C. Abrahan V (Kalihim), Deborah Rosalind D. Nieto (Ingat-Yaman), at Louie Jon A. Sanchez (Ugnayang Pangmadla).
Kasabay na manunumpa ang labing-isang bagong kasapi at “poet-volunteer” ng LIRA. Batay sa kanilang husay sa sining ng pagtula at sa kanilang kahandaang maglingkod para sa kalinangan ng bayan, sina Mark Arisgado, RR Cagalingan, Joseph Franco, Elmer Grampon, Vins Miranda, Conrad Nuyles, Imee Rabang, Rae Rival, Crecee Roldan, James Tana, at Shiela Virtusio ang napiling maging mga kasapi mula sa mga nagsipagtapos sa Klinikang Pampanulaan 2010.
Ipinagdiwang ng LIRA ang ika-25 taon nito sa nakaraang taon. Bilang bahagi ng anibersaryo nito, idinaos ng organisasyon ang ilang pangunahing proyekto, kabilang ang isang pambansang kumperensiya, dalawang pambansang timpalak sa tula, isang aklat, apat na chapbook, at ang Sining ng Tugma at Sukat 2010, ang libreng pagtuturo ng panitikan ng LIRA at NCCA sa siyam na bayan sa Luzon.
Itinatag ang LIRA ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario (mas kilala bilang Rio Alma) noong 1985. Sa mga palihan ng LIRA nagmula ang mga premyadong makata tulad nina Roberto at Rebecca Añonuevo, Romulo Baquiran Jr., Michael Coroza, Jerry Gracio, Vim Nadera, at Edgar Samar. Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa LIRA, magtungo lamang sa www.liraonline.org.
* * *
Call for Submissions: LIRA Filipino Poetry Clinic 2011
LIRA, the celebrated and oldest active organization of poets in Filipino is now accepting sign-ups for its yearly poetry clinic. The regular clinic period is from June to August and will be held every Saturday and Sunday from 9:00 AM until 5:00 PM, although several more sessions will be held until November.
All those interested must submit one Word Document file containing the following: one-page bio data, ID picture, contact numbers, and five poems in Filipino, to palihan@liraonline.org. (Poems in English and other languages will not be accepted.) An envelope containing the requirements may also be dropped off at the LIRA pigeon hole at the UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, UP Diliman, 1101 Quezon City.
All submissions should be in on or before April 30, 2011.
In related news, the new officers of LIRA will be formally sworn in on March 5.
Phillip Kimpo Jr. was elected to his second term as President, and he will be joined by Mariane A.R.T. Abuan (Vice President), Giancarlo Lauro C. Abrahan V (Secretary), Deborah Rosalind D. Nieto (Treasurer), and Louie Jon A. Sanchez (Public Relations Officer).
Also to be sworn in are eleven new members and “poet-volunteers” of LIRA. Based on their skill in the art of poetry and on their willingness to serve for the nation’s culture, Mark Arisgado, RR Cagalingan, Joseph Franco, Elmer Grampon, Vins Miranda, Conrad Nuyles, Imee Rabang, Rae Rival, Crecee Roldan, James Tana, and Shiela Virtusio were chosen to become members from the graduates of the Poetry Clinic 2010.
LIRA celebrated its 25th anniversary last year. As part of its silver jubilee, the group held several key projects: a national conference, two national poetry contests, a book, four chapbooks, and the “Sining ng Tugma at Sukat 2010,” a literary education outreach program of LIRA and the NCCA in nine towns across Luzon.
LIRA was founded by National Artist for Literature Virgilio S. Almario (a.k.a. Rio Alma) in 1985. Its workshops have produced award-winning poets such as Roberto and Rebecca Añonuevo, Romulo Baquiran Jr., Michael Coroza, Jerry Gracio, Vim Nadera, and Edgar Samar. For more information on LIRA, please visit www.liraonline.org.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
May bayad po ba ito? Gusto kong lumahok. Kung meron magkano po kaya?
Dear yuffie,
Kung pera-perahan lang ang pag-uusapan, alam ko may napakaliit na kontribusyon, napakaliit kung ikokompara sa anim na buwan nang pakikipagniig sa tula at dalubhasa. Mga 500 to 1 kiyaw yata ang kontribusyon para ipambili ng token para sa mga tagapagsalita na libre din namang magtatalsik ng kanilang nalalaman sa inyo. Puhunan mo lang talaga dito ay dedikasyon sa panulaan at panahong iuukol nang mataos para sa palihan (at siyempre may mga assignment kang dapat isumite--bad trip).
Sana nakatulong. sali ka na!
superkabado
Post a Comment