Pasok kayo, ituring ninyong parang blog n'yo ba 'to?

Tuesday, November 2, 2010

Bihilya



Sawa ka na sa ganitong pambubuska.
Wala kang dahilang mahulo sa pag-iwas sa ligaw
at ilahas na lambing kaya sasabihin mo—
maraming gagawin.
Kayraming naghihintay sa iyong kalinga:
papel na dapat basahin, iligpit, tsekan, sulatan,
ibenta. Isa kang pagal at tapat na ahente.
Tawiran ng koryenteng hindi mapatid-patid.
Aaminin mong isa itong gawaing napakalumbay,
ang tumunghay sa nagsapot-sapot,
nagsala-salabid na pagkakataong
maging kahit sino ka kahit kailan.
Nang minsan kang alukin ng tulong,
sagot mong pabanas, kailan mo pa kinailangan?
At kapag lumayo akong nagkikibit
ng alanganing balikat o ulo, magagalit ka.
Magagalitin ka.

Minsan gusto kong matawa.
Hihiga tayong tuklap sa isa’t isa,
tuklap ang isa’t isa.
Ilang taon nang hindi magkakilala,
ilang taon nang kinikilala
kung hindi lamang dahil sa nakapagitang bunsong
mahimbing, nananaginip, nagmamahal, walang maliw,
at hindi sumumpa kahit kailan ng kailanman.




2 comments:

Gabi d.r.d. said...

nakaka-inspire.

gawan ko rin kaya ang nobyo ko ng ganyan. hahaha!

natutuwa ako sa mga litrato nyo kay Divine, tito. :D

superkabado said...

Huwaaaaaat Abi? may nobyo ka na?????? o magkakanobyo pa lang???? Parang kelan lang, tsk tsk...

Salamat at natutuwa ka, may silbi rin ang point and shoot ko kahit papaano.

sulat ka rin pag inspired ka. sa blog mo.