Pasok kayo, ituring ninyong parang blog n'yo ba 'to?

Saturday, August 29, 2009

Kung Fu




Ito ang ikinakatakot ko: ang masipa ng Kung Fu master. Hindi ko gustong maging kontrabida sa mga lumang pelikula ni Bruce Lee at Jackie Chan. Hindi mo maiiwasan ang masipa ng Kung Fu master. Kaya kahit nagsusulat lang ako paminsan-minsan, nag-iingat na rin ako sa paliliparing tadyak ng Kung Fu master.

Bakit?

Nang magawi ako sa Sage Mountain, inasahan ko na, gaya ng lahat ng Sage Seas and Mountains na mayroong Kung Fu master. Iba-iba nga lang ang tawag sa kanila. Magagaling ang Kung Fu master sa pagkakaalam ko. Masakit manipa. Minsan na rin kasi akong sumailalim sa disiplina ng pagsipa-sipa at pagtadyak-tadyak, noong nasa Sage Training pa lang ako sa Concrete Sage sa tabi nakalambiting riles ng tren. Alam kong sumipa dati. Pero mula nga noong tangayin ako dito sa Sage Mountain, napansin ko ang madalang—halos wala—na pagsipa ng Kung Fu. Kumpleto naman sila sa kamote na bigay ng mga subject cum lesser beings na walang 10 feet by 10 feet ID sa Sage Mountain. Pero wala. Hindi nakikita ang Kung Fu. Hindi maramdaman ang Kung Fu. Iba pala ang Kung Fu sa Sage Mountain. Siguro iniipon ang buong lakas para sa isang malupit—at magastos—na labanan na ang huli kong pagkakaalam ay ginawa sa magandang pahabang Sage Island na pinamumunuan ng isang alias Hagedorn! Awards winner ang mga Kung Fu master nang umuwi matapos ang giyera noong unang kabilugan ng buwan yata yun. Iyon nga lang, hindi na nakita sa napakahabang panahon ang Kung Fu na nagha-hibernate yata kahit kumpleto sa suplay ng pagkain galing sa mga subjects cum lesser beings na walang 10 feet by 10 feet ID sa Sage Mountain.

Paano ka ba naman hindi matatakot? Heto ang tunay na transkrip ng huli silang marinig sa Sage Mountain:

“Yano kau! Pangkontes lang kame! Noong huleng labanan, tone-toneladang medalya ang uwe namen hindi pa ba kau masaya?” paangil na tanong ng Kung Fu master.

“Pero gusto naming masaksihan sa Sage Mountain ang inyong kagalingan!” sagot ng mga makamoteng subjects cum lesser beings na walang 10 feet by 10 feet ID sa Sage Mountain.

“Ganun ba? Hala, dagdagan nenyu ang enyung butaw na kamote!” galit na sinabi ni Kung Fu master.

“Ano what????” gulantang na hiyaw tanong sindak pagkabigla na nabulalas ng mga subjects cum lesser beings na walang 10 feet by 10 feet kamote sa Sage Mountain.

“Sabe namen, siyet kau!”

“Ano what? Wer na u??” nagtataka naghahanap naguguluhang sinabi ng mga subjects cum lesser beings na walang 10 feet by 10 feet ID sa Sage Mountain kamote.

“Dini sa dingding ng Sage Mountain, nakadikit! Ha ha ha ha. Kame ang pinakamagaleng!”

“What the...Uu alam namen na magaleng kau, pero wer na u?” gulong-gulo gulong-gulo gulong-gulo ang mga subjects cum lesser kamote beings na walang 10 feet by 10 feet ID sa Sage Mountain.

“Shatap! U kamote subjects cum lesser beings na walang 10 feet by 10 feet ID sa Sage Mountain! Dagdagan pa ang kamote!”

“Masa-sight na ba namen kau kung magdadagdag kame ng kamote-te-te?” ume-echong itinanong ng kamoteng mga subjects cum lesser beings na walang 10 feet by 10 feet kamote ID sa Sage Mountain.

“Shatap, magagaleng kame.”

“Ano what??? Kamote-te-te-teh?”


At hindi na sila nagkaintindihan, ang mga subjects kamote cum lesser beings na walang 10 feet by 10 feet ID sa Sage Mountain at ang Kung Fu master na imbisibol men.

Kaya nakakatakot ang kanilang iniingat-ingatang... drum roll please... iniingat-ingatang... dudududum... iniingat-ingatang... chichichichiching... imbisibol kick.


Pasasalamat sa mga kinuhanan ko ng larawan sa internet. Hindi ko po pag-aari ang mga larawan.

No comments: