Pasok kayo, ituring ninyong parang blog n'yo ba 'to?

Thursday, June 26, 2008

superkabado


superkabado- ito ang ginagamit kong nom de guerre kapag naglalaro ng counter strike circa 2000. Nagsimula bilang salitang kabado dahil andap ako sa pagsugod sa kalaban. Lagi akong tinatamaan dahil mabagal ang kamay ko sa pagpindot sa mouse at keyboard. Hindi ako tumatagal ng isa o dalawang minuto sa aktuwal na laro sa kabila ng pagiging "maingat" ko sa pagsugod. Nang lumaon, ang kabado ay naging--tadahhhhh!--superkabado. Tripleng ingat. Pero tinatamaan pa rin. Hanggang ngayon. Nasalo ko na yata ang karamihan ng tama sa mundo (tama bilang hit sa Ingles, hindi tama bilang right o tama bilang amats o tama bilang tumama sa lotto!).
Mga kasama, sabi nga ni francism noong early 90s: meron akong ano, meron akong ano. Ano? A wala wala wala wala wala. Sabay sabay tayong maghanap ng ano sa wala.

No comments: